LJ ikakasal na, bagsak ulit sa P!

SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon May 31, 2023 | 12:00am LJ Reyes at Philip Evangelista Sabog agad sa social media ang engagement ni LJ Reyes sa isang non-showbiz guy, si Philip Evangelista. Bible quote lang ang caption ni LJ sa series of photos nung lumuhod ang karelasyon para alukin siya ng kasal. […]

LJ ikakasal na, bagsak ulit sa P!

LJ ikakasal na, bagsak ulit sa P! thumbnail

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

May 31, 2023 | 12:00am

LJ Reyes at Philip Evangelista

Sabog agad sa social media ang engagement ni LJ Reyes sa isang non-showbiz guy, si Philip Evangelista.

Bible quote lang ang caption ni LJ sa series of photos nung lumuhod ang karelasyon para alukin siya ng kasal. “For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.”

Jeremiah 29:11 NLT”

May photo na umiiyak si LJ na pinupunasan ng boyfriend.

Maraming masaya for LJ kabilang na sina Marian Rivera, Gary Valenciano, Cristine Reyes, Gary Valenciano, Carla Abellana, Andrea Torres at marami pang iba.

Early 2021 nang maghiwalay sina LJ and Paolo Contis dahil sa diumano kay Yen Santos.

Pumunta noon sa New York si LJ kasama ang dalawang anak kina Paulo Avelino at Paolo (at another P ngayon).

Naka-private ang account ng fiance ni LJ kaya walang mapulot na info sa kanya.

Samantala, inabutan nga namin si Paolo sa dialysis session ni Nay Lolit Solis kahapon sa FEU Hospital.

Halos ayaw mag-comment ng actor tungkol sa engagement ni LJ.

Ganundin sa naging statement ni former Gov. Chavit Singson kay Yen.

Parang manifesting naman ang ex ni Carlo Aquino na si Trina Candaza sa nangyari kay LJ matapos itong magpost ng “One day, this pain will be my testimony.”