Christian Bautista sa kanta niyang ‘The Way You Look at Me’: ‘The song that changed my life’

Mayo 30, 2023 9:33pm GMT+08:00 SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News Itinuturing ni Christian Bautista na peak ng kaniyang karera nang tangkilikin maging ng bansang Indonesia ang kaniyang awiting “The Way You Look at Me,” na nagpabago sa kaniyang buhay. Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, binalikan ni Tito Boy ang isang panayam […]

Christian Bautista sa kanta niyang ‘The Way You Look at Me’: ‘The song that changed my life’

Christian Bautista sa kanta niyang 'The Way You Look at Me': 'The song that changed my life' thumbnail

Mayo 30, 2023 9:33pm GMT+08:00

SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News

Itinuturing ni Christian Bautista na peak ng kaniyang karera nang tangkilikin maging ng bansang Indonesia ang kaniyang awiting “The Way You Look at Me,” na nagpabago sa kaniyang buhay.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, binalikan ni Tito Boy ang isang panayam kung saan sinabi noon ni Christian ang mga naturang kataga.

“Kasi hindi ko alam na ang isang bansa na hindi Pilipinas ay mag-a-appreciate ng career ko at ng isang Christian Bautista,” sabi ni Asia’s Romantic Balladeer.

“Noong first dumating ako roon, they were singing my songs agad na hindi ko alam ‘yun pala ang power of airwaves, TV and radio,” balik-tanaw ni Christian.

Para sa kaniya, ito ang maituturing niyang peak ng kaniyang karera.

“‘Yung Indonesia pa rin, I was in an Indonesian stage with a 40-piece orchestra, and they were singing The Way You Look at Me. I felt really good,” saad niya.

Binalikan din ni Christian ang pagsali niya noon sa isang singing competition na hindi siya ang itinanghal na panalo.

“Honestly noong natanggal ako, I thought it wasn’t for me. Balik na ako sa office or landscape architecture or what. Pero parang na-realize ko, ‘Okay let’s give it another shot.’”

“And then nag-audition ako sa isang label and then binigay sa akin ‘yung The Way You Look at Me, the song that changed my life.”

Pag-amin din ni Christian, may mga pagkakataon sa kaniyang buhay na gusto niya niyang tumigil sa pag-awit.

“Many times. ‘Pag wala nang masyadong nangyayari, ‘Ito na ba?’ Lahat kami, lahat tayo may timeline. Or pahinga ba ‘yan? Or huwag muna? Or next time?,” saad niya.

“‘Pag inaral mo rin ‘yung mga career ng iba’t ibang singer or actor meron silang lull time na iba muna ‘yung ginagawa nila, nag-iibang bansa, ibang project, business,” dagdag niya.

Ngunit kung ilalarawan ang kaniyang makulay na karera ng 20 taon, ito ay sa pamamagitan ng salitang “grit.”

“Mahirap sa industriyang ito. Hindi siya madali. Merong mga good days, bad days, good months, bad months, good years. Alam mong hindi merong laging success na sometimes ikaw ‘yung gagawa o ikaw ‘yung maghahanap. Minsan kailangan hanapin mo siya or you build it yourself,” paglalahad niya.

Ayon pa kay Christian, hindi rin maiiwasang maghanap ang mga singer ng papuri at palakpak mula sa mga tao.

“Tapos kapag nawala, minsan nawawala ‘yung center natin, ‘O bakit wala nang applause, wala nang acclaim? That’s why God is so important, faith is so important,” paliwanag niya. —FRJ, GMA Integrated News