Comedy show ni Vic, dadalhin na ba sa TV5?! Iskul Bukol at Wow Mali, bubuhayin Vice, sumagot!
SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon June 23, 2023 | 12:00am Totoo kayang hanggang next month na lang ang Open 24/7 nina Vic Sotto and Maja Salvador sa GMA 7? Isang season na raw sa August ang bagong programa ni Bossing Vic sa Kapuso Network. Though hintayin muna natin ang official announcement dahil […]
SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon
June 23, 2023 | 12:00am
Totoo kayang hanggang next month na lang ang Open 24/7 nina Vic Sotto and Maja Salvador sa GMA 7?
Isang season na raw sa August ang bagong programa ni Bossing Vic sa Kapuso Network.
Though hintayin muna natin ang official announcement dahil ‘yun lang naman ang umiikot na kuwento.
May hint during the presscon ng TVJ sa TV5 na aside from Eat Bulaga may iba pa silang gagawing programa sa TV5.
Ito ay ang pagbabalik ng comedy show na Wow Mali at Iskul Bukol na kasama sa mga plano ng kumpanya ni Mr. Manny Pangilinan – Mediaquest Holdings Inc.– matapos ang pirmahan ng kontrata nina MVP at grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ Productions).
Actually, nabanggit na ni Ms. Jane Basas (Mediaquest president and CEO) na magkakaroon nga ng relaunch ang Wow Mali at nilalambing pa raw nila ang Iskul Bukol. Nabanggit din ni Ms. Basas na marami pang ibang pinag-uusapan ang grupo nila nina former Sen. Tito.
So may konek kaya ito sa naiisyung pagtatapos ng Open 24/7 ni Bossing Vic sa GMA?
Nauna nang nabanggit ni MVP na ‘tough choice’ ang nangyari, pero business decision aniya ang pagpasok ng TVJ sa TV5.
“Sure, we have had to make a tough choice between Showtime and this particular production item. And it was just a purely business decision that we arrived at,” aniya na kung saan may blocktime arrangement sa kanila ang It’s Showtime samantalang business partnership ang arrangement nila sa TVJ.
“So nagkataon lang as a matter of serendipity that, you know, the thing blew up, and the arrangements with ABS…
“And hindi kami nagkulang sa pagtulong sa ABS. We are proud of what we have done for them. And you know, we continue to have arrangements with them in terms of their content,” pahayag pa ni MVP sa naganap na presscon noong Martes sa TV5 studio.
Samantala, sinabi ni Vice Ganda sa interview ni Aubrey Carampel ng GMA 7 na wala siyang sama ng loob dahil nga naetsapwera ang It’s Showtime sa TV5. “Nung sinabi sa amin na nung una pa lang, baka hindi na tayo mag-ere sa TV5, siyempre nalungkot din kami kasi siyempre, hindi namin alam kung saan kami pupunta. So, ano na ang mangyayari? So, naaawa ako du’n sa mga tao, sa staff namin, kasi sobra na silang naguguluhan,” pahayag ni Vice sa nasabing interview.
Pero mabilis naman ang mga pangyayari, nasa GMA na sila, sa sinasabing bonus channel ng Kapuso Network, ang GTV. “Masaya kami na, ‘di ba, may nagsarang pinto, may bumukas ulit na isang pinto. Nung ibinalita sa amin, siyempre emosyonal kaming lahat kasi nasa kalagitnaan kami ng lungkot, ‘yung parang nawalan ka ng tirahan, tapos biglang may kukupkop na naman sa ‘yo. We feel so special and we are very grateful to GTV,” sabi pa niya.
Sa kasalukuyan ay pinananabikan na ang July 1 dahil ito na nga umpisa ng bagong tapatan ng noontime shows.