JulVer, sumabak sa cheating game

SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon June 23, 2023 | 12:00am Julie Anne San Jose at Rayver Cruz Bongga ang lineup ng stars sa pelikulang The Cheating Game, ang pinakaunang pelikula for 2023 ng GMA Public Affairs at GMA Pictures na mapapanood na sa big screen simula July 26. ‘An edgy, genre-bending romance […]

JulVer, sumabak sa cheating game

JulVer, sumabak sa cheating game thumbnail

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

June 23, 2023 | 12:00am

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

Bongga ang lineup ng stars sa pelikulang The Cheating Game, ang pinakaunang pelikula for 2023 ng GMA Public Affairs at GMA Pictures na mapapanood na sa big screen simula July 26.

‘An edgy, genre-bending romance about the games people play after getting cheated on’ ang tatakbuhin ng unang pelikulang pagbibidahan nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Total Heartthrob and Performer Rayver Cruz bilang sina Hope Celestial at Miguel Agustin.

Bahagi nga ng kanilang kuwento sina Martin del Rosario, Winwyn Marquez, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Phi Palmos, Thea Tolentino at Paolo Contis.

Mapapanood din dito sina Chef Jose Sarasola, Charlize Ruth Reyes, Roce Ordoñez, Aaron Maniego, Andrea So, Charm Aranton, Ida Sabido, Evan Tan at Roi Oriondo.

Nitong Lunes (June 19), ipinakita na rin ang official poster ng pelikula na mula sa direksyon ng best-selling author na si Rod Marmol.

Dolly de Leon makakasama sa serye si Nicole Kidman, Hollywood career ni Liza ‘di pa umaabante

Mukha ngang magtutuluy-tuloy ang Hollywood career ng Pinay actress na si Dolly de Leon.

Lumabas sa online reports na makakasama siya sa American TV series na Nine Perfect Strangers Season 2 na pinagbibidahan ng Oscar-winning actress Nicole Kidman.

Nauna nang kumalat na kasama rin siya sa cast ng Amazon Original Movie Grand Death Lotto.

Nagsunud-sunod ang offer ni Dolly matapos ang nomination niya sa Golden Globe Awards at British Academy Film Awards para sa Oscar-nominated movie niyang Triangle of Sadness.

Habang nanalo naman siya sa Los Angeles Screen Awards.

Pero ginagawa rin ni Dolly ang movie with Kathryn Bernardo na A Very Good Girl.

Si Liza Soberano kaya anong update sa Hollywood career? Though naging cover girl siya sa isang magazine sa Singapore.

Lately ay lumabas ang photos na magkasama sila ni Enrique Gil sa kabila ng intrigang hiwalay na sila.