Dahlia nina Anne at Erwan, nakakagawa na ng sherbet!

Ang cute naman ng anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia. Mukhang nagmana ito sa tatay niya sa hilig sa pagkain at pagluluto. Ngayon pa lang ay mukhang interesado na raw ito at lumalabas na ang talent sa pagluluto. Ibinahagi ni Erwan ang video ni Dahlia na gumagawa ng strawberry sherbet para […]

Dahlia nina Anne at Erwan, nakakagawa na ng sherbet!

Dahlia nina Anne at Erwan, nakakagawa na ng sherbet! thumbnail

Ang cute naman ng anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia. Mukhang nagmana ito sa tatay niya sa hilig sa pagkain at pagluluto.

Ngayon pa lang ay mukhang interesado na raw ito at lumalabas na ang talent sa pagluluto.

Ibinahagi ni Erwan ang video ni Dahlia na gumagawa ng strawberry sherbet para sa pinsan at best friend niyang si Tili na anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

Makikita sa video na naghihiwa ng strawberries at naghahalo ng ingredients ang three-year-old daughter nina Anne at Erwan.

Ang caption nga ng mister ni Anne, “The little one making strawberry sherbet for her best friend.”

Sa dulo nga ng video ay nag-e-enjoy ang mga bagets sa pagkain ng sherbet. Comment nga ni Anne ay iyon daw ang pinakamasarap na sherbet na natikman niya.

Nag-trending naman ang nasabing video at umani ng mahigit isang million views sa Instagram.

Naninibago sa katawan…

Ewan ko ba anong nangyari sa eyes ko na ang kati-kati at medyo masakit. Sabi ng doktor epekto raw ng dialysis kaya very uncomfortable ako for two days na.

‘Kainis dahil nag-i-enjoy pa naman ako sa mga meetup namin. Talagang lately meron na akong mga bagay na ngayon ko lang nararamdaman. Kaya hindi ako maka-concentrate sa excitement nina Salve at Gorgy Rula sa Bruno Mars concert na dahil sa pagiging mabait ng mga taga-Net 25 talagang gusto nila na maging comfortable sila sa panonood ng Bruno Mars.