Jillian, bet sa collab sina Kathryn at Zaijian!

Ngayong nagkakaroon na ng kolaborasyon sa paggawa ng mga proyekto ang ABS-CBN at GMA ay posibleng mas marami pang mga artista ng dalawang networks ang magkatrabaho. Isa sa mga homegrown talent ng Kapuso network ay si Jillian Ward. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap ang aktres na makatrabaho si Kathryn Bernardo. “Magaling po talaga siya […]

Jillian, bet sa collab sina Kathryn at Zaijian!

Jillian, bet sa collab sina Kathryn at Zaijian! thumbnail

Ngayong nagkakaroon na ng kolaborasyon sa paggawa ng mga proyekto ang ABS-CBN at GMA ay posibleng mas marami pang mga artista ng dalawang networks ang magkatrabaho.

Isa sa mga homegrown talent ng Kapuso network ay si Jillian Ward. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap ang aktres na makatrabaho si Kathryn Bernardo. “Magaling po talaga siya and sa amin rin pong mga teen, she’s a role model po talaga. And I heard super bait po niya talaga,” nakangiting pahayag ni Jillian.

Ayon sa Kapuso actress ay talagang nasubaybayan niya ang mga proyektong ginawa ni Kathryn sa telebisyon. “More on shows po ‘yung pinanood ko. Kasi hindi po ako nakakapanood ng sine. ‘Yung mga shows niya po iconic po lahat talaga,” pagtatapat niya.

Bukod kay Kathryn ay isang Kapamilya actor din ang gustong makatambal ni Jillian. “Sa mga kaedaran ko naman po na lalaki si Zaijian Jaranilla. Basta, abangan po ninyo kasi baka mayroon soon. Hindi pa po natin alam, pero tanungin n’yo rin po si Zaijian, pero what if?”  pagtatapos ng dating child star.

Jodi, nahirapan sa ginawa nila ni Joshua

Napapanood na gabi-gabi sa GMA Telebabad ang Unbreak My Heart na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap at Jodi Sta. Maria.

Isa sa mga pinakaaabangan sa bagong serye ay ang intimate scenes na ginawa nina Jodi at Joshua. Sumailalim pa umano sa sensuality workshop ang dalawa bago lumipad patungong Europe para sa taping ng serye. “Doon namin nasabi ‘yung limits namin, ‘yung boundaries namin, hanggang saan lang ‘yung kaya naming ibigay.

“Of course as actors, we deliver what’s required for us and yes may intimate scenes between my character and Joshua’s character. Nakatulong ‘yung discussion about boundaries, and what you’re comfortable and not so comfortable to doing during the scene. It’s always reminding yourself na you are not doing it as you. You are in this scene as your character,” dagdag naman ni Jodi.

Aminado ang aktres na talagang nahirapan siya nang gawin ang intimate scenes nila ni Joshua.

Ayon kay Jodi ay matinding pagtitiwala ang kanyang inilaan sa lahat ng katrabaho para gawin ang maseselang eksena. “For me, intimate scenes are the most difficult to do. It will require certain level of vulnerability and trust from your scene partner and also from your director, from everyone na nandoon sa space na ‘yon do’n sa set. I’m just glad that na si Josh very respectful and he made the scene bearable and of course to our directors, Manny and Dolly na inalagaan din naman ‘yung eksena to make it artistic,” paliwanag ng aktres. — Reports from JCC