Julia, nahanap na ang balanse sa buhay!

Magkakatambal sina Julia Barretto at Diego Loyzaga sa pelikulang Will You Be My Ex?   Mahigit isang dekada na ang nakalilipas nang unang magkatrabaho ang dalawa pero ngayon lamang nabigyan ng pagkakataon na magkapareha sa pelikula. “I’m so excited to work with Diego because he’s been a friend of mine for a very long time. […]

Julia, nahanap na ang balanse sa buhay!

Julia, nahanap na ang balanse sa buhay! thumbnail

Magkakatambal sina Julia Barretto at Diego Loyzaga sa pelikulang Will You Be My Ex?  

Mahigit isang dekada na ang nakalilipas nang unang magkatrabaho ang dalawa pero ngayon lamang nabigyan ng pagkakataon na magkapareha sa pelikula. “I’m so excited to work with Diego because he’s been a friend of mine for a very long time. We worked together twice already on TV when we were younger. This time around, we’re a bit older, more mature and I’m excited to have worked with him in a very interesting story. Absolutely no awkwardness,” pagbabahagi ni Julia.

Marami ang nagtatanong sa aktres kung posible nga bang mang­yari ang titulo ng bagong pelikula. “Definitely, I will not say or ask that to anybody, especially a guy whom I got involved with. The relationships I’ve been in the past, it’s clear that we’re better off on separate ways. With others, it works so we support that they try again and it works out. It’s just not the case for me. I’m just very happy now,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Sa ngayon ay kabi-kabila ang ginagawang proyekto ni Julia. Isa pang bagong pelikula ang nakatakdang gawin ng aktres sa susunod na buwan.

Abala man sa trabaho ay sinisikap umano ni Julia na balansehin ang kanyang oras para sa kanyang personal na mga pangangailangan. “I’ll also start working on a new film first week of July. The amount of work I do, I am given the same amount of time to recharge, to reconnect, regroup and really rest. That’s something that I really want to achieve for a long time. At 26, it’s something that I have already. I’ve been able to figure out and at the same time, even if the work can be non-stop for days, then you are given only three days to rest, that’s okay to me I’m still young so kinakaya pa ng endurance ko. Hinahanap pa siya ng katawan ko. So really, no complaints. I’m in a good place and time in my life. I think I’ve already gotten to a point in my life where there’s so much ba­lance,” pagtatapos ng dalaga.

Ariel, emosyonal ‘pag naaalala ang tatay

Kamakailan ay aming nakapanayam si Ariel Rivera sa Fast Talk with Boy Abunda. Naging emosyonal ang singer nang alalahanin ang amang namayapa noong 2020. “My brother Marvin, ‘yung sumunod sa akin, said dad’s not doing well. Something’s wrong with him. He had sepsis na pala, but he was home. Parang, he seems lost. He’s not himself,” emosyonal na bungad ni Ariel.

Nagbabakasyon umano ang pamilya ng singer sa Japan nang muling tawagan ng kapatid tungkol sa kondisyon ng ama. “So we went back to Manila right away, and I got the first flight to Toronto. When I saw him, he was in the ICU na. He was breathing because of the apparatus. I just whispered in his ear, and I said, ‘Thank you dad for everything you’ve done for me, you’ve given me. Don’t worry, I’ll take care of mom. Kung pagod na kayo, magpahinga na kayo.’ That’s all I said,” umiiyak na kwento niya.

Para kay Ariel ay talagang malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang nakuha niya mula sa ama. “I am who I am because of my dad. My dad brought us up through his actions. Things you take for granted, like basketball games, nando’n siya to support. But he was never the type that would say, ‘I love you’ or ‘I’m proud of you, tama ‘yung ginagawa mo.’ He just shows things through his actions. And I’ve been always like that. I didn’t know I was like that kahit noong nagkaanak na ako. I realize I am my father’s son and I think he brought us up the right way,” paglalahad ng singer. Reports from JCC