Bagong kanta ni KZ ipina-mix sa Amerika, pina-master sa grammy winner

SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon June 23, 2023 | 12:00am Ang ganda ng bagong soulful love song ni KZ Tandingan – Dito Ka Lang single na mapapakinggan na simula ngayong Biyernes (Hunyo 23). Si KZ mismo ang sumulat ng kanta na inalay niya sa kanyang asawa na si TJ Monterde noong panahon […]

Bagong kanta ni KZ ipina-mix sa Amerika, pina-master sa grammy winner

Bagong kanta ni KZ ipina-mix sa Amerika, pina-master sa grammy winner thumbnail

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

June 23, 2023 | 12:00am

Ang ganda ng bagong soulful love song ni KZ Tandingan – Dito Ka Lang single na mapapakinggan na simula ngayong Biyernes (Hunyo 23).

Si KZ mismo ang sumulat ng kanta na inalay niya sa kanyang asawa na si TJ Monterde noong panahon na nasa tour abroad si TJ habang nanatili sa bansa si KZ.

Inareglo ni Theo Martel at prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang bagong handog ng Star Music na may tunog soul, R&B at rap.

Ipinadala pa ito sa Amerika para i-mix ng Grammy winner na si Jackie Boom at i-master ng isa pang Grammy winner na si Jett Galindo ng The Bakery LA.

Sa media lunching kahapon ay tunog international ang kanta.

Ang ganda.

Saka talagang mahusay naman si KZ.

Tampok sa ilalabas na music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel sina Kobie Brown at Andi Abaya.

Pinag-usapan agad mula nang inanunsyo ang proyektong Dito Ka Lang ni KZ na mapapabilang sa upcoming full-length album niya na tatawaging Soul Supremacy II.

Sinusundan nito ang patok na Soul Supremacy album ng X-Factor Philippines grand winner na inilunsad ng Star Music taong 2017.

Bago ang Dito Ka Lang, nilabas ni KZ ang kanyang international singles na 11:59 at Winning.

Bumida rin ang Kapamilya artist sa New York Times Square billboard noong 2021 para sa EQUAL playlist ng Spotify.

Nagsilbi naman siyang isa sa mga coach ng The Voice Kids Philippines season 5 ngayong taon.

Mapapakinggan ang Dito Ka Lang ni KZ simula Biyernes (Hunyo 23) sa iba’t ibang digital streaming platforms at mapapanood din ang music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.