Sylvia, ‘di yumabang!
Alam mo ba pinakamasarap sa lahat ‘pag ‘yung matagal mo nang kilala naging matagumpay at hindi nagbago. Iyon bang kahit yumaman na, ganun pa rin ang trato sa iyo. Isa si Sylvia Sanchez sa mga nagtagumpay at never nabago ang ugali at pakikisama sa mga dating kilala. Kung ano siya noon, ganun pa rin siya […]
Alam mo ba pinakamasarap sa lahat ‘pag ‘yung matagal mo nang kilala naging matagumpay at hindi nagbago. Iyon bang kahit yumaman na, ganun pa rin ang trato sa iyo.
Isa si Sylvia Sanchez sa mga nagtagumpay at never nabago ang ugali at pakikisama sa mga dating kilala.
Kung ano siya noon, ganun pa rin siya ngayon.
No wonder lahat ng suwerte nakukuha niya.
Kaya naman pati ang mga anak niya successful in their own way.
Talagang ipagluluto at ipaghahanda ka niya tulad ng dati niyang ginagawa.
How sweet of her na ngayon ay may anak na siyang isang Congressman, si Arjo Atayde.
At ang mga anak niya nag-aral at lumalaking mabuting mga tao tulad ni Ria.
Talagang when you are a good person, God will be kind and giving to you. Ganyan ang nangyayari kay Sylvia, punong-puno ng blessings, bongga.
Ito ang isang magandang pangyayari na masasabi mo na kaya worthy siya sa blessings sa buhay niya dahil na nga sa magandang ugali niya.
Hay naku, dapat lahat ng artista ganyan ang attitude, hindi nagbabago kahit meron na silang lahat sa buhay at talagang yumaman.
Iba kasi talaga pag mabait ka at walang yabang sa katawan.
‘Wag lalaki ang ulo at mag-ilusyon na nasa itaas ka porke’t mapera!