Ini-endorse ng TVJ nag-umpisa sa 50, lumobo sa 500

SHOW-MY – Salve Asis – Pilipino Star Ngayon June 23, 2023 | 12:00am Malapit na malapit na ang July 1. Ito ang araw na mag-uumpisa ang pagbabalik ng Tito, Vic and Joey sa free TV – TV5. Pero bago ‘yan, nakasama muna ng TVJ si Aling Puring, ang brand icon ng Puregold, kung saan pumirma […]

Ini-endorse ng TVJ nag-umpisa sa 50, lumobo sa 500

Ini-endorse ng TVJ nag-umpisa sa 50, lumobo sa 500 thumbnail

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

June 23, 2023 | 12:00am

Malapit na malapit na ang July 1.

Ito ang araw na mag-uumpisa ang pagbabalik ng Tito, Vic and Joey sa free TV – TV5.

Pero bago ‘yan, nakasama muna ng TVJ si Aling Puring, ang brand icon ng Puregold, kung saan pumirma sila ng kontrata bilang pagpapatuloy sa kolaborasyon kasama ang kumpanya upang ipinagpapatuloy ang mahaba at makabuluhang pakikipagtambalan nila.

Sa pagsisimula ng kumpanya, noong mas kaunti pa sa 50 ang mga tindahan ng Puregold, nakipagtambalan na ang kumpanya kina Vic at Joey.

Ngayon higit 500 na pala ang mga tindahan ng Puregold sa buong bansa, at nasasabik sila na makamit ang marami pang mga tagumpay kasama ang buong TVJ.

Isa nga ito sa mga endorsement nila na naunang nag-declare ng suporta sa kanila noong nagkaproblema ang kanilang programa sa TAPE Inc.